Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na pagsuotin ng mga fabric mask ang kanilang mamamayan kapag nasa publiko.
Ito ay para tuluyang mabawasan ang pagdami ng bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus.
Ilan sa mga bagong panuntunan ng non-medical mask ay ang lahat ng mga nasa pampublikong lugar gaya sa trabaho, social o mass gathering, paaralan at mga simbahan.
Mga taong naninirahan sa siksikan na lugar gaya ng refugee camps at kapag ang tao ay nasa pampublikong sasakyan.
Payo pa ng WHO na ang mga medical mask ay dapat ilaan na lamang sa mga healthcare professional at mga taong positibo sa anumang sakit.
Maaring gumamit ang lahat ng non-medical o fabric mask gaya ng materyales na kayang magsala ng mga droplets pero nakakahinga ang tao, dapat iwasan din ang stretchy material dahil may posibilidad na lumaki ang butas nito, mga tela na maaaring mailaba ng 60C , may tatlong layer kabilang ang absorbent inner layer, naabot ang bunganga at ang outer layer ay hindi basta tumatagos ang tubig at dapat ito ay madalas na labahan.
Malaki ang paniwala kasi ng WHO na sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at social distancing ay nakakabawas ng kaso ng mga nadadapuan ng coronavirus.