-- Advertisements --
Patuloy ang pagbibigay babala ng World Health Organization (WHO) sa bansa sa paggamit ng anti-parasite drug na Ivermectin laban sa COVID-19.
Ito ay matapos na wala pang sapat na pag-aaral na epektibo nga ito sa nasabing sakit.
Sinabi ni WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe, nagpalabas na ang maraming ahensiya gaya ng European Medical Association, US Food and Drugs Administration at maging ang Merk na siyang pinakamalaking pagawaan ng gamot ay nagsabi na wala pang ebidensiya na epektibo nga ito sa virus.
Hindi rin aniya nila inirerekomenda na gamitin ito bilang preventive drugs.
Magugunitang una nang sinabi ng Department of Health na rehistrado ang nasabing gamot bilang gamot para sa mga hayop.