-- Advertisements --

Muling nanawagan ang World Health Organization sa Israel na tigilan na nila ang pag-atake sa mga pagamutan sa Gaza.

Ayon kay WHO chief Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang mga pagamutan sa Gaza ay muling nagiging battlegrounds.

Dahil sa nasabing insidente ay nasa matinding pangamba ang health system doon.

Ang nasabing pagbabala ay matapos na lusubin ng Israel forces ang nag-iisang gumaganang pagamutan na Kamal Adwan.

Hiniling din nito sa mga Israel Forces na pakawalan na ang hospital director ng nasabing pagamutan na si Dr. Hussam Abu Safiya na ikinulong ng mga Israel.

Depensa naman ng Israel na ginagawang kuta ng mga Hamas militant group ang nasabing lugar kaya nila ito inaatake.