-- Advertisements --
Magpapadala na ang World Health Organization (WHO) ng grupo ng mga eksperto sa China para imbestigahan ang pinagmulan ng novel coronavirus.
Sinabi ni WHO chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang nasabing hakbang ay kasunod na rin sa panawagan ng maraming mga bansa.
Umaasa sila na magkakaroon ng koordinasyon ang China sa gagawing imbestigasyon ng kanilang grupo.
Magugunitang ipinaggigiitan ni US President Donald Trump at Secretary of State Mike Pompeo na nagmula ang nasabing coronavirus sa isang laboratoryo na nag-leak sa China.