-- Advertisements --

Nababahala na ang World Health Organization (WHO) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng sexually transmitted infections (STI).

Lumabas kasi kanilang pag-aaral na mayroong isang milyong kaso sa kada araw ang naitatala sa buong mundo.

Ibig sabihin aniya nito na mayroong mahigit 376 million na bagong kaso kada taon na nadadapuan ng apat na infections na kinabibilangang ng chlamydia, gonorrhea, trichomoniasis, at syphilis.

Ang nasabing pagtaas ng bilang ay isang ‘wake-up’ calls para gumawa na ng hakbang ang mga bansa sa pagbaba ng nasabing infections.