Labis ang pagkabahala ngayon ng World Health Organization (WHO) sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus o COVID-19 sa bansang Italy, Iran at South Korea.
Ayon kay WHO General Manager Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga kaso sa nabanggit na bansa ay nakakabahala na.
Mayroon na ring WHO team ang dumating sa Italy para tignan ang nasabing kalagayan ng mga nadapuan doon kung saan ang Italy ang siyang may pinakamataas na bilang na kaso ng COVID sa Europa.
“The sudden increases of cases in Italy, the Islamic Republic of Iran & the Republic of Korea are deeply concerning,” ani Dr. Tedros sa kanyang Twitter message. “There’s a lot of speculation about whether these increases mean that this epidemic has now become a pandemic. WHO has already declared a PHEIC – our highest level of alarm – when there were less than 100 cases outsideof China 8 cases of human-to-human transmission.”
Mayroon na ngayong 229 na kaso ng COVID-19 sa Italy habang 231 naman sa South Korea.