-- Advertisements --
Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay WHO African regional director Matshidiso Moeti, na mabilis itong kumakalat sa capital cities ng Africa.
Ang kakulangan ng tests at ibang supplies ay siyang nagiging problema sa pagresponde nila.
Mataas ang kaso ng nadadapuan sa South Africa habang mataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Eastern Cape at Western Cape provinces.
Dagdag pa nito na ang Western Cape ay kahalintulad ng nangyaring outbreak sa Europe at US.