Nagbabala ang World Health Organization na ang COVID19 ay hindi pa nawawala at banta pa rin sa kalusugan ng bawat mamamayan.
Ito’y matapos na makapagtala ng halos 10,000 na COVID-19 death rate ang World Helth Organization noong Desyembre 2023.
Sumipa ang kaso ng pandemya dahil sa madalasang social gatherings, na sinabayan pa ng JN.1 variant na mabilisang kumalat sa maraming bansa.
Ayon sa WHO, nananatili pa rin ‘major threat’ ang COVID-19, kahit na mas kontrolado na ito ng mga departamento at institusyong pangkalusugan sa iba’t-ibang bansa.
Tumaas din ang hospitality rate sa 52 percent. 62 percent naman ang itinaas ng mga pasyenteng nilagay sa intensive care unit noong nakaraang buwan.
Karamihan ng nasabing tala ay na-detect mula sa mga bansa sa America at Europa.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko sa patuloy na pagpapabakuna laban sa COVID-19, at pagsusuot ng facemask.