-- Advertisements --
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron variant ng COVID-19 ay may mabilis na pagkakahawa.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na dahil sa bilis na pagkakahawa ay hindi malabong kumalat na ito sa lahat ng bansa kahit na hindi pa ito nadedetect.
Dagdag pa nito na hindi dapat maliitin ang nasabing variant dahil hindi pa ito lubusang napag-aaralan ng mga eksperto.
Kahit aniya na hindi gaano grabe ang pinsala ng Omicron subalit makakaapekto pa rin ito health care system ng bansa dahil sa dami ng bilang ng mga maitatakbo sa pagamutan.