-- Advertisements --

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na maaaring mahigit kalahati sa populasyon ng Europa ang sinasabing makakuha ng Omicron sa darating ng dalawang buwan.

Mahaharap din sa lockdowns ang ilang milyong mamamayan ng China sa ikalawang-taong anibersaryo ng COVID-19.

Sinabi ni Hans Kluge ang regional director ng WHO European Office, na dahil sa mabilis ang pagkahawa ng Omicron ay tiyak na makakahawa ito sa malaking populasyon ng Europa.

Muling iginiit nito ang kahalagahan ng bakuna na siyang magbibigay proteksyon laban sa severe disease at kamatayan.