-- Advertisements --
Inilarawan ng World Health Organization (WHO) na tila isang tsunami ang epekto ng Omicron at Delta COVID-19 variant sa mga bansa na magdudulot ng negatibong epekto sa health systems.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus isang kambal na banta ang dalawang variant ng COVID-19 na nagreresulta sa pagtaas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Ikinakabahala nito na kapag hindi naagapan ang nasabing dalawang variant ay magkakaroon ng pagbagsak ng health care system ng isang bansa.
Patuloy pa rin ang panawagan nito sa mga bansa na paigtingin ang kanilang pagpapabakuna kung saan sa 194 member states ng WHO ay 92 sa mga dito ang nakaabot ng kanilang 40 percent target population na mabakunahan.