-- Advertisements --
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon ng kakulangan ng isa hanggang dalawang bilyong syringes na gagamitin para sa m COVID-19 vaccinations sa 2022.
Dahil sa nasabing kakulangan ay maaapektuhan ang pagbabakuna ng maraming bansa.
Ayon kay WHO expert Lisa Hedman na dapat magplano ng mabuti ang mga bansa para maiwasan ang hoarding, panic buying at kahalintulad na sitwasyon.
Aabot na sa mahigit 6.8 bilyon na COVID-19 vaccinations ang naisagawa na buong mundo.
Maari lamang ito maiwasan kung may ilang bansa na gumawa ng paraan para makagawa ng maraming mga syringes.