-- Advertisements --
Binalaan ng World Health Organization (WHO) ang mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.
Ito ay dahil sa nagigign delikado ang omicron variant ng COVID-19 sa mga hindi pa nababakunahan ng COVID-19.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nagiging mas mahina ang omicron kaysa sa delta variant subalit napakadelikado ito sa mga mamamayan hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.
Hindi aniya dapat payagan na mamayagpag ang virus lalo na sa taong hindi nababakunahan.
Aabot pa lamang sa 90 mga bansa ang hindi na nakakapag-abot ng 40 percent ng kanilang populasyon ang naturukan kungsaan 36 sa kanila ang nagkukulang ng 10 porsyento para maabot ang target.