-- Advertisements --
WHO fund

Itinuturing na ng World Health Organization (WHO) ang Europa bilang epicenter ngayon ng global coronavirus pandemic kasunod nang China.

Sinabi ni WHO chief Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus na patuloy dapat ang mga bansa na maging agresibo sa paglaban sa nasabing deadly virus.

Kasabay nito naglunsad din sila ng COVID-19 Solidarity response funds.

Ito ay para makahingi sila ng tulong at mabigyan ng suporta ang mga bansa para sa paglaban sa COVID-19.

Ang nasabing response funds ay dahil ayaw nilang umasa na lang sa pondo ng mga gobyerno.

“The UN Foundation and Swiss Philanthropy Foundation will receive donated funds, which will then be used by the World Health Organization and partners to support countries according to the COVID-19 Strategic Preparedness and Response Plan. As outlined in the plan, the vast majority of the financial resources needed will help vulnerable and at-risk countries, especially those with weak health systems, to step up their preparedness to prevent COVID-19, enhance their abilities to detect and test for the virus, and bolster their ability to respond to COVID-19 spread. The additional funds will help WHO directly to fill in funding needs as it coordinates the global response. As the pandemic evolves, resource needs will also change,” bahagi pa ng statement ng WHO.

Samantala, habang paunti-unti ang naiuulat na kaso sa China, lalo namang lomolobo ang bilang ng mga pasyente sa bahagi ng Europa.

Sa kasalukuyan ay nangunguna pa rin ang Italy sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan mayroong 17,660 na kaso at 1,266 ang namatay.

Sinusundan ito ng Iran na mayroong 11,364 na kaso at mayroong 514 ang namatay.

Ang Spain naman ay mayroong 5,232 na kaso at 133 dito ang namatay, sa Germany ay mayroong 3.675 na mayroon 8 ang nasawi sa France ay mayroong 3,661 na at nasa 79 ang nasawi.

Sa Asya naman ang South Korea ay mayroong 7,979 na kaso at 71 na ang namatay.

Samantalang sa US ay mayroong 2,076 at 41 ang mga namatay.