-- Advertisements --

Inanunsyo ni World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na nagtayo ito ng foundation na magbibigay ng pondo para laban ang coronavirus outbreak at iba pang pandemic na posible pang harapin ng buong mundo.

Ayon kay Tedros, 80% ng pondo ay manggagaling mula sa mga voluntary contributions na ibibigay ngiba’t ibang member states at donors.

Kalimitan daw kasing ginagamit ang pondong ito sa mga partikular na programa ng ahensya kung kaya’t may sarili pa rin desisyon ang WHO kung papaahno ito gagamitin.

Sinabi pa nito na isa sa mga pinaka-importanteng parte ng tagumpay ng WHO ay ang pagpapalawig pa ng kanilang donor base at pataasin ang parehong quantity at quality ng pondo na kanilang matatanggap.

Layunin umano ng bagong foundation na ito na gumawa ng paraan upang makalikom ng pondo mula sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

Una nang nagpahayag si President Donald Trump ng kaniyang pagnanais na pansamantalang itigil ang pagbibigay ng pondo sa sa WHO kung hindi nito aayusin ang kanilang trabaho sa loob ng 30 araw.

Iginiit naman ni Tedros na hindi ginawa ang naturang fundation dahil sa desisyon ni Trump ngunitaniya matagal na raw nilang pinag-aaralan ang pagtatayo ng isang fund-raising entity.

Kakailanganin umano ng ahensya ng karagdagang $1.3 billion bvago matapos ang 2020.