-- Advertisements --
Nais ng World Health Organization na magkaroon ng mabilisang pag-access ng maraming bansa sa bakuna laban sa mpox.
Kasunod ito sa pag-aprub ng MVA-BN vaccine na unang prequlification ng bakuna.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang bakuna ay dumating na rin sa Democratic Republic of Congo ang epicenter ng epidemic.
Dagdag pa nito na kanilang hinihikayat ang pagbili, donasyon at pamamahagi ng bakuna para magkaroon ang mga nangangailangang bansa.
Ang prequalification ng MVA-BN ay makakatulong sa pagpapabilis ng pagbii ng mga bakuna laban sa mpox.
Magugunitang aabot sa 22,000 na kaso ang naitala sa Congo kung saan mahigit 700 na ang nasawi.