-- Advertisements --
Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract.
Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant.
Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target talaga ng Omicron ay ang taas na bahagi ng katawan ng tao.
Ang mabilis at mataas na pagkakahawa ng nasabing variant ay magreresulta sa pagiging dominante nito ng ilang linggo sa maraming lugar na siyang malaking banta sa lugar kung saan marami ang hindi pa nababakunahan.
Masyado pa aniyang maaga para irekomenda na kailangan na ang bakuna laban sa Omicron.