-- Advertisements --

Patuloy ang pangangalap ng World Health Organization (WHO) ng mga impormasyon kung paano tuluyang masusugpo ang novel coronavirus o covid-19.

Ito ay matapos nasa tatlong lugar na sa China ang WHO partikular na sa Guangdong, Sichuan at Beijing.

Mayroong advance team na ang nagtungo sa nasabing mga lugar noon pang nakaraang linggo habang ang iba ay paparating pa lamang sa lugar.

Binubuo ng 12 mga member ang mangunguna sa nasabing pag-aaral ng posibleng gamot sa virus.

Sinabi niu WHO spokesperson Tarik Jasarevic, na malaliman ang ginagawang pag-aaral at posibleng sa mga susunod na araw ay kanilang ibubunyag ang ilang mga resulta ng kanilang pagsasaliksik.