Ikinalungkot ng World Health Organinzation (WHO) na maraming mga bansa pa rin ang hindi nababakunahan ang kanilang mga health workers.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na sa patuloy na pagtataas ng production rate ng mga bakuna laban sa COVID-19 ay maraming bansa pa rin ang hindi nakakapagsimula ng kanilang vaccination program.
Umaabot na rin aniya sa 36 milyon doses ang naibigay na ng COVAX facility na pinamumunuan ng WHO at GAVI vaccine alliance sa 86 na bansa.
Naglabas naman ng sama ng loob si Namibia President Hage Geingob dahil sa hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatangap na bakuna.
Pinawi ito ng WHO Director kung saan sinabi niya na sa loob ng dalawang linggo ay matatanggap na nila ang bakuna mula sa COVAX facilities.