-- Advertisements --

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) na suportahan ang COVAX financing initiative dahil ito ay may malaking tsansa na makakuha ng matagumpay na bakuna sa COVID-19.

Ayon kay Soumya Swaminathan, ang chief scientist ng WHO, na kapag maraming bansa ang sumuporta sa COVAX ay mayroong malawak na tsansa na ito ay magtagumpay.

Magiging accessible din sa maraming bansa ang bakuna kapag ito ay nagkaroon na.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng halos 80 na ang bansa ang nagpahayag ng interest na sumali sa COVAX na pinangungunahan ng GAVI vaccine alliance, WHO at Coalition for Epidemic Preparedness Innovation o CEPI.