Nanawagan ang World Health Organization at UNICEF ng pitong araw na tigil putukan sa Gaza ‘yan ay matapos makumpirma ng Palestinian health ministry ang kauna-unang kaso ng polio.
Batay kasi sa ipinadalang sample test sa Amman, Jordan na nanggaling sa Gaza, napag-alaman na type 2 poliovirus sa wastewater ang nadiskubre sa malalaking siyudad ng Gaza.
Sa ulat naman na ibinigay ng Palestinian health ministry na ang unang case ay dumapo sa 10 buwan taon gulang na sanggol sa may Deir al-Balah.
Hindi nakatanggap ng kahit anong vaccination ang sanggol dahilan upang magkaroon ito ng infectious disease.
Kaya’t abot ang panawagan ng WHO na magkaroon ng ceasefire sa Gaza upang maisaayos ang pitong araw na pagbibigay ng vaccination sa 640,000 Palestinian na bata na may edad 10-anyos pataas.
Nabatid, 95% nang mga bata ang kailangan mapabakunahan upang hindi na kumalat ang polio at mabawasan ang risk nito.
Ang vaccination campaign ng WHO ay mayroong two rounds na gagawin sa Setyembre at bibigyan ang mga bata mula 10 taon gulang pababa ng two drops ng oral vaccine laban sa type 2 polio virus. (John Flores)