-- Advertisements --

Kasabay ng World Malaria Day, nanawagan ang World Health Organization (WHO) na palakasin ang mga hakbang mula pandaigdigang patakaran hanggang sa aksyon ng komunidad para mapabilis ang pagbura sa malaria.

Simula noong 2000, humigit-kumulang 13 milyong buhay ang nailigtas at dalawang bilyong kaso ng malaria ang napigilan dahil sa pandaigdigang pagkakaisa.

Nasa 45 bansa at isang teritoryo na ang itinuring na malaria-free ng WHO, ngunit 600,000 na buhay ang nawala sa malaria noong 2023, karamihan sa Africa.

Ang malawakang rollout ng mga bakuna laban sa malaria at insecticide-treated nets sa Africa ay inaasahang magliligtas ng libu-libong bata taon-taon.

Gayunpaman, patuloy na hamon ang lumalalang drug resistance, mahinang sistema ng kalusugan, at mga salik tulad ng climate change, conflict, at kahirapan.

Ang tema ng World Malaria Day 2025 na “Malaria Ends With Us: Reinvest, Reimagine, Reignite” ay nananawagan para sa mas matibay na pangako sa pinansyal at innovations upang mawakasan ang sakit.