Nanawagan muli ang World Health Organization (WHO) ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga buhay na mga wild animals sa mga palengke.
Ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang posibleng pagkalat ng panibagong sakit.
Ayon sa WHO, bagamat malaki ang tulong ng mga tradisyunal na palengke sa pagkain at kabuhayan ng mga marami ang pagbabawal sa mga pagbenta ng live wild animals ay makakatulong para maprotektahan ang kalusugan ng mga trabahador sa palengke at mga mamimili.
Naglabas na rin sila ng interim guidelines kasama ang World Organisation for Animal Health (OIE) at United Nations Environment Programme (UNEP).
Basi kasi sa kanilang pag-aaral na ang mga wild animals ay siyang pinagmumulan ng mga 70 percent ng mga emerging infectious disease sa mga tao.