Nagpatibay ng resolusyon ang executive board ng World Health Organization na nananawagan para sa agaran at walang harang na pag-access sa Gaza.
Ito’y matapos sabihin ng hepe ng WHO na ang mga medical supplies ay nahaharap sa krisis.
Ang 34 na bansa sa board ay pinagtibay ang resolusyon sa pamamagitan ng pinagkasunduan, kahit na ang ilan, lalo na ang Estados Unidos, ay may mga reserbasyon tungkol sa kakulangan ng mga sanggunian sa mga pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7.
Bilang karagdagan sa panawagan para sa agarang humanitarian relief, hiniling ng resolusyon ang pagbibigay ng mga exit permit para sa mga pasyente.
Sinabi ng pinuno ng WHO na si Tedros Adhanom Ghebreyesus na nagawa ng board na makamit ang unang consensus resolution sa conflict mula noong nagsimula ito dalawang buwan na ang nakakaraan.
Ang resolusyon ay naghahangad ng supply at muling pagdadagdag ng mga gamot at mga medical equipment sa populasyon ng sibilyan sa Gaza.