Nanawagan ang World Health Organization na dapat ay muling buksan ang Rafah Crossing sa pagitan ng Egypt at Gaza para makadaan ang mga humanitarian supplies.
Ayon kay Dr. Rik Peeperkorn, ang WHO representative for the West Bank at Gaza na mayroong 60 truck ng WHO ang nasa Al Arish city sa Egypt at hindi makapasok sa Rafah.
Naniniwala ito maraming mga mamamayan ng Rafah ang naghihintay sa kanilang tulong.
Ang Rafah City ay nasakop na ng Israel at kanilang isinara ang crossing dito.
Isinara nila ang border matapos na ibunyag ng Israel Defense Forces (IDF) na nakakita sila ng mga tunnels na dinadaanan ng mga Hamas.
Ikinakabahala pa rin ng WHO na maraming mga health facilities sa Gaza ang malapit ng magsara dahil sa kakulangan ng suplay ng mga gamot.