-- Advertisements --
Muling nananawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na magkaisa para malabanan ang coronavirus.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na tatagal ang pananatili sa mundo kaya ang tanging paraan para talunin ang virus ay pagkakaisa.
Matatalo lamang ang nasabing virus kapag magkaisa ang lahat ng mga bansa.
Ilulunsad nila ngayong linggo ang makabagong strategic preparedness and response plan na magbibigay ng mga kakailanganin na pondo sa pagsuporta sa international at national plans sa paglaban sa virus.