-- Advertisements --

Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na magtulong-tulong para tuluyang matapos ang nararanasang pandemya.

Sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na nasa ikatlong taon na ng pandemiya at para matapos ito ay dapat magtulungan ang bawat bansa.

Pinuri din nito ang Germany dahil sa patuloy na pagpapaigting ng kanilang vaccination campaign.

Patuloy din ang panawagan ng WHO ng pantay na pamamahagi ng bakuna lalo na sa mga mahihirap na bansa.