-- Advertisements --
Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa Tanzania na ilabas ang tunay na bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Isa kasi ang Tanzania sa hindi naglalabas ng datus ng COVID-19.
Huling insidente na naglabas ang nasabing bansa ay noong Mayo 2020 kung saan mayroong naitalang 500 na kaso at 20 ang namatay matapos dapuan ng virus.
Matapos ang isang buwan ay idineklara ni Tanzanian President John Magufuli na “coronavirus-free” na ang nasabing bansa.
Nabahala ang WHO ng ilang opisyal ng nasabing bansa ang nasawi matapos umano dapuan ng COVID-19.
Isa dito ay si Zanzibar vice-president Seif Sharirf Hamad at si John Kijazi ang namumuno ng civil service ng bansa.