-- Advertisements --

Muling iginiit ng World Health Organization (WHO) na hindi sila nagtago ng mga impormasyon tungkol sa coronavirus.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mula pa lamang sa umpisa ay naging bukas sila sa pagbibigay ng impormasyon sa mundo sa bagsik na dala ng virus.

Palagi aniya ang kanilang ginagawang pagbibigay babala sa mga bansa na magpatupad ng kaparaanan para hindi na kumalat ang virus.

Nanawagan na lamang ito sa mga bansa na magtulungan na lamang para sa tuluyang masawata ang virus.