-- Advertisements --

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi sila naghahanap ng masisisi sa pagpunta ng grupo ng investigators sa Wuhan China.

Ayon sa WHO nais nilang malaman ang tunay na pinagmulan ng nasabing virus at hindi sisihin ang sinumang nasa likod ng pagsisimula ng COVID-19.

Sinabi naman ni Fabian Leendertz mula sa Robert Koch Institute sa Germany, na naging maganda ang unang araw na pakikipag-ugnayan nila sa mga opisyal ng Wuhan, China.

Maging ang China mismo ay nais din malaman ang pinagmulan ng nasabing virus.

Magugunitang nagpadala ang WHO ng 10 scientist sa Wuhan, China para imbestigahan ang pagkalat ng coronavirus.