Nagbigay linaw ang World Health Organization (WHO) sa naging pahayag nila na nakikita na nila ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na hindi nangangahulugan na dahil malapit ng makita ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic ay tuluyan ng tapos ito.
Paglilinaw din nito na medyo malayo pa bago tuluyang masabing tapos na ang COVID-19.
Isa aniya na makakatulong para tuluyang maideklarang tapos na ang pandemiya ay taasan pa ang bilang ng pagtuturok ng COVID-19 booster vaccines.
Magugunitang idineklara na ni US President Joe Biden na tapos na ang COVID-19 pandemic sa kanilang bansa.
“We have spent two-and-a-half years in a long, dark tunnel, and we are just beginning to glimpse the light at the end of that tunnel,” ani Dr. Tedros.