-- Advertisements --
Pag-aaralang mabuti na ng World Health Organization (WHO) ang mga data mula sa COVID-19 vaccine ng Pfizer at BioNTech.
Ang nasabing hakbang aniya ay para sa posibleng mailista sa emergency use ang nasabing mga bakuna.
Nakipag-ugnayan na rin ang WHO sa Medicine and Healthcare products Regulatory Agency ng Britanya para sa makakuha ng assement.
Sinabi ni WHO emergency expert Mike Ryan, na dapat hindi pa hihinto ang mga bansa na gumawa ng bakuna dahil kailangan pa ng buong mundo ng hanggang apat na bakuna laban sa COVID-19.
Mahalaga ang paggawa ng maraming bakuna para maging mura aniya ang presyo nito.
Magugunitang inaprubahan ng Britanya ang COVID-19 vaccine ng Pfizer na siyang unang basna na pormal na iindorso ang nasabing bakuna.