-- Advertisements --
Pinag-aaralang mabuti ng World Health Organization (WHO) ang ulat mula sa pagsusuri ng mahigit 200 scientist na kumakalat ang virus sa pamamagitan ng airborne particles.
Ayon sa open letter ng WHO na inilabas na mayroong 239 na scientists mula sa 32 bansa ang may malakas na ebidensiya na nagpapakita ng floating virus particles ang maaaring maka-infect sa taong nakalanghap nito.
Sinabi naman ni WHO spokesman Tarik Jasarevic, na sinusuring mabuti ng kanilang technical experts ang nasabing findings.
Magugunitang iginiit noon ng WHO na hindi tulad ng SARS-CoV-2 ang virus na nagdulot ng COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng small droplets na inilalabas sa paghinga at sa pagsasalita.