-- Advertisements --

Pagdedesisyunan ng World Health Organization (WHO) sa loob ng 24 na oras kung tuluyan na nga ba nilang suspendihin ang trial ng hydroxychloroquine laban sa coronavirus.

Sinabi ni WHO chief scientist Soumya Swaminathan, na ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagdami ng mga namamatay matapos na gamitin bilang nabanggit na anti-malarial drugs.

Ang nasabing gamot kasi ay ginagamit sa paggamot sa rheumatoid arthritis at lupus na isinusulong ni US President Donald Trump.

Maging ang kumpanya na gumagawa ng nasabing gamot na Sanofi ay temporaryong huminto sa pagkuha ng mga COVID-19 patients para sa dalawang clinical trials ng nasabing droga.