-- Advertisements --
Posibleng ilabas na ng World Health Organization (WHO) sa susunod na linggo ang kanilang desisyon para magbigay ng emergency use approval sa coronavirus disease 2019 (COVID19) vaccines mula sa kompaniyang Pfizer, Moderna at AstraZeneca.
Sinabi ni Soumya Swaminathan ang chief scientist ng WHO, hindi pa nila natatapos ang ginagawa nilang pag-aaral sa nasabing mga bakuna.
Kapag naaprubahan na ng WHO ay maaari nang ipamahagi ang nasabing mga bakuna sa maraming mga bansa.
Nasa 10 kompaniya na raw ang nagsumite na ng kanilang interes ng request para sa emergency approval ng vaccine candidates.