-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng World Health Organization (WHO) sa mga mayayamang bansa na magbigay ng kanilang mga COVID-19 vaccines sa mga mahihirap na bansa.
Ito ay para agad na mahabol ang 200 milyon dose gap na dulot ng pagkakaantala ng suplay sa India at ang pagkaantala sa paggawa ng mga bakuna.
Sinabi ni WHO senior adviser Bruce Aylward na mas mabuti pang ibigay na lamang mga bakuna sa mga mahihirap na bansa kaysa iturok ito sa mga menor de edad.
Dapat aniya magdoble kayod ang mga mayayamang bansa para maagapan ang pagdami ng mga nahahawaan ng virus.