-- Advertisements --

Patuloy ang apela ng World Health Organization (WHO) sa mga bansa na kung maaari ay magbigay ng donasyon para sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines na ipapamahagi sa mga mahihirap na bansa.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na mayroon pang $16.8 billyon ang kailangan para sa pagpondo ng mga bakuna.

Malaki pa rin aniya ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na bansa.

Unang nakatanggap ng $17.7 billion ang WHO para sa 2020-21 at agad na kailangan ang $8.1-B sa bahagi ng $16.8-B na kakulangan ng pondo ng WHO.

Aabot na rin sa mahigit 3.25-billion doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na sa 216 na mga bansa.