Plano ng World Health Organization (WHO) na ilikas ang nasa 140 na pasyente na naiwan sa Nasser Hospital sa Gaza dahil sa pangamba sa buhay nila bunsod ng kawalan ng kuryente dahil sa patuloy na military operation ng Israel.
Kasama nila ang ibang ahensiya ay nagsagawa na sila ng paglikas ng mga pasyente mula sa pagamutan na matatagpuan sa Khan Younis.
Ililipat nila ang nasabing mga sugatan at malubhang mga pasyente sa ibang mga pagamutan at sa mga field hospital para hindi madamay sa patuloy na nagaganap na kaguluhan.
Nagkaroon naman ng matinding epekto sa ekonomiya ng Gaza ang patuloy na kaguluhan doon.
Ayon sa World Bank na mahigit 80 percent ang paglubog ng ekonomiya ng Gaza sa huling quarter ng 2023.
Mula ng magsimula ang kaguluhan noong Oktubre 7 ay maraming mga gusali na nakaapekto ng labis sa ekonomiya ng Gaza.
Halos lahat aniya ng mga mamamayan doon ay naninirahan ng kahirapan.