-- Advertisements --

Patuloy naman ang pag-apela ng World Health Organization sa Israel na tigilan na nila ang operasyon sa Rafah City sa Gaza.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga residente na doon ang umaalis dahil sa pinaigting ng atake ng Israel.

Pinangangambahan din nito ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit sa Gaza.

Magugunitang nagmatigas si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi nila titigilan ang Hamas hanggang tuluyang mapalaya ang mga bihag na hawak nila.