Patuloy ang panawagan muli ng World Health Organization (WHO) sa mga bansa na huwag munang magsagawa ng booster shots ng kanilang COVID-19 vaccines.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na dapat isipin nila na maraming mga bansa pa ang hindi na nababakunahan ang target na populasyon nila.
Dapat aniya na unahin ng mga mayayamang bansa at mga vaccine companies ang mga health workers at vulnerable populations sa mga mahihirap na bansa bago ang pagsasagawa ng booster vaccines.
Hindi aniya maganda na mayroong mga malulusog na katao na fully vaccinated na habang marami pa ring mga mahihirap na bansa ang hindi natuturukan ng bakuna.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nanawagan na ang WHO na kung maaari ay huwag munang magsagawa ng vaccine booster hanggang sa katapusan ng taon.