-- Advertisements --
Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga negosyante sa buong mundo at mga private sectors na gumawa ng personal protective equipment (PPE) para sa mga health workers.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na talagang kulang ang nasabing mga personal protective equipment para mga healthworkers na lumalaban sa coronavirus.
Pinasalamatan din ito ang iba’t-ibang mga industriya dahil patuloy na nakakalikom ng malaking halaga ang kanilang inilunsad na respond fund para sa paglaban sa COVID-19.
Patuloy pa rin ang panawagan nito sa mga bansa na dapat ipatupad nila ang “isolate, test. treat at trace” para sa tuluyang malabanan ang virus.