MANILA – Nagbabala ang isang opisyal ng World Health Organization (WHO) sa pamahalaan sa posibleng maging epekto ng hindi pagsunod sa vaccine prioritization sa mga susunod pang shipment ng bakuna mula COVAX facility.
“We urge the Department of Health and all the partners engaged in the rollout of vaccines to follow these prioritization so that we don’ t impact and jeopardize future deliveries of vaccines through the COVAX (facility) to the Philippines,” ani WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.
Sa ilalim ng National Vaccination and Deployment Plan for COVID-19 vaccines, ang mga frontline healthcare workers ang pinaka-una sa priority list na dapat mabakunahan.
Pero ilang government officials kamakailan ang naturukan na ng coronavirus vaccine, mula sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China.
Kung maalala, tanging sina Vaccine Czar Carlito Galvez, National Task Force deputy chief implementer Sec. Vince Dizon, at MMDA chairman Benhur Abalos ang pinayagan ng Interim National Immunization Technical Advisory Group na mabakunahan, sa pag-asang mapapataas ang kumpiyansa ng publiko.
Bukod sa prioritization, hinihimok din ng WHO ang Pilipinas na iwasan ang labis na “wastage” o pagka-sayang ng mga bakunang manggagaling sa COVAX.
“It is critically important that the management of the vaccine rollout is done carefully. The cold chain management is managed efficiently.”
“The rollout (should) be made on a prioritized basis looking at where are the highest risks or level of transmission, and then reaching out to healthcare workers and other areas with lower transmission.”
Hindi sinabi ng Dr. Abeyasinghe kung ihihinto ng COVAX ang distribusyon kung mabibigo ang bansa na sundin ang prioritization.
“The COVAX and all signatories are expected to follow those criteria, to which the Philippine government agreed. The primary purpose (of the COVAX) was to minimize the pandemic by protecting the most at risk and vulnerable.”
“If there are multiple reports violation of that prioritzation, the COVAX may have to decide how to address that challenge.”
Isa ang Pilipinas sa mga nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX facility.
Nitong Huwebes nang dumating ang 487,200 doses ng bakuna ang dumating kahapon, na donasyon ng hindi bababa sa 12 bansa sa Europa.
Ayon kay Dr. Abeyasinghe, may tinataya pang 4.5-million doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX ang darating sa Mayo.
Bukod sa bakuna ng AstraZeneca, may inaasahan pa ang Pilipinas na 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na mula rin sa COVAX.