Naglabas ng ilang hakbang ang World Health Organization Philippines para protektahan ang sarili sa gitna ng matinding init.
Nagpayo ang organisasyon na panatilihing hydrated ang katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at iwasan muna ang sobrang pag-inom ng kape at matatamis.
Mas makabubuti rin daw ang pagsusuot ng light-colored at maluluwag na damit.
Hindi naman ipinagbawal ng WHO ang paglalaro ng mga bata sa labas ngunit siguraduhin umano na maglaan ng oras para magpahinga ang mga bata kapag ito ay naglalaro.
Gayunpaman, inabisuhan din nito ang publiko na kung maaari ay iwasan na ang mga aktibidad na lubhang nakakapagod lalo na sa oras ng kaputukan ng init ng araw.
NGunit kung hindi naman umano maiiwasan ay siguraduhin na maglaan ng oras para sumilong at magpahinga.
Ilang linggo na ring nararanasan ang mataas na temperatura sa iba’t ibang lugar sa bansa. Nakapagtala na rin ng higit sa 40 degrees celsius na heat index sa ilang probinsiya kaya naman sunod-sunod ang mga paalala ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para maiwasan ang heat-related illnesses.