Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga hindi bakunadong indibidwal na nasa edad 60 pataas at mayroong mga dinaramdam na iwasan munang bumiyahe sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19 dahil na rin sa banta ng Omicron variant.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi pa nila kasi matiyak ang magiging pinsala ng bagong variant ng COVID-19 sa mga taong mayroon ng kaaramdaman.
Binigyan halaga nito na ang paggamit ng mga kaalaman gaya ng facemask, pagpapabakuna at palagiang paghuhugas ng kamay ang siyang makakatulong na maiwasang kumalat ang virus.
Aabot na aniya sa 23 mga bansa mula sa limang rehiyon ang nagtala ng bagong variant ng COVID-19.
Hinikayat na rin nito ang mga bansa na mas doblehin ang pagpapabakuna para maiwasan na ang pagkalat ng nasabing virus.