-- Advertisements --

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang Russia na sundin ang tamang panuntunan sa paggawa ng ligtas at epektibong bakuna para sa COVID-19.

Kasunod ito ng pahayag ng Moscow na binibilisan na nila ang paggawa ng bakuna kahit wala pa itong sapat na testing.

Ayon kay WHO spokesman Christian Lindmeier, na mayroong mga sinusundan na guidelines at practises sa paggawa ng mga bakuna.

Bawat bakuna aniya ay dumadaan dapat sa ilang trials at test bago ito mabigyan ng lisensiya.

Magugunitang inihayag ni Industry Minister Denis Manturov, na sa buwan ng Setyembre ay magsasagawa na sila ng mass production ng nasabing bakuna.

Isa lamang ang Russia sa maraming mga bansa na gumagawa ngayon ng bakuna para sa COVID-19.