-- Advertisements --

Pinuna ng World Health Organization (WHO) ang mabagal na coronavirus vaccine rollout sa Europa.

Ayon kay WHO director for Europe Hans Klugena na labis na naantala ang vaccination campaign sa Europe at patuloy ang pagtaas ng kaso doon.

Nanawagan si Kluge na dapat bilisan na ng Europa ang pagpapabakuna para hindi na sila magkaroon ng problema sa mga susunod na mga araw.

Pinayuhan nito na ang mga bansa sa Europa na magpatupad muna ng lockdown habang nananatiling mabagal pa ang vaccination rollout.