-- Advertisements --
Pinuri ng International health organization ang hakbang na ginawa ng bansang Laos sa paglaban sa coronavirus.
Nitong buwan lamang kasi ay nagdeklara ang nasabing Southeast Asian country na COVID-19 free na sila.
Sinabi ni Howard Sobel ang representative ng World Health Organization ng Laos, na dapat huwag lamang silang magpakumpiyansa dahil ang border country nila na China ay namumroblema pa rin sa virus.
Pinasalamatan din ni Sobel ang mga frontliners dahil sa mabilis nilang pagtugon sa nasabing virus.
Magugunitang noong Hunyo 10 ay idineklara ni Prime Minister Thongloun Sisoulith na wala na ang kasong COVID-19 ang kanilang bansa.