Sinuspendi ng World Health Organization (WHO) ang testing ng malaria drug na hydroxychloroquine para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 dahil sa pagiging delikado umano nito.
Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, temporaryo muna ang pagsuspendi dahil hindi pa tapos ang ginagawang pag-aaral ng data safety monitoring board.
Paglilinaw nito, patuloy pa rin ang ginagawang pag-test sa ibang mga gamot para tuluyan ng makahanap ng bakuna laban sa COVID-19.
Una rito, hindi sumang-ayon ang WHO sa paggamit ng hydroxychloroquine para sa paggamot o pag-iwas sa coronavirus infections maliban lamang sa clinical trials.
Magugunitang malaki ang paniniwala ni US Pres. Donald Trump na ang hydroxychloroquine ay posibleng gamot na sa coronavirus kaya maging siya ay umiinom daw nito.