-- Advertisements --
Sisimulan na ngayong araw ng World Health Organization (WHO) ang pag-iimbestiga kung paano kumalat ang coronavirus sa China.
Bubuuin ito ng 12 international at WHO experts at ilang national experts mula sa China.
Pag-aaralan nila ang ilang mga datus ganun din ay bibisita ang mga ito sa tatlong probinsiya ng China kung saan nagmula ang nasabing virus.
Ayon pa sa WHO na ang nasabing paraan ay para malaman agad ang susunod nilang hakbang para malabanan ang pagkalat ng nasabing virus.
Hindi naman kasama sa nasabing pagtungo sa China ang US Centers for Diseases Control and Prevention dahil wala pang tugong ang China sa pag-alok nila ng tulong mula noong sumulat sila noong Enero .