Masusising tinututukan ngayon ng World Health Organization (WHO) ang bagong coronavirus variant na tinawag na Mu.
Sinasabing una itong natukoy sa bansang Colombia noong buwan ng January.
Ang Mu variant ay tinatawag din sa pangalang B.1.621 at inilagay sa tinaguriang “variant of interest.”
Una nang kinilala ng WHO ang apat na mga COVID-19 variants of concern na kinabibilangan ng Alpha na nakita sa 193 na mga bansa at ang mas nakakahawang Delta na nakita rin sa 170 mga bansa.
Inamin ng WHO na ang Mu variant ay merong mutations na nagpapakita na hindi nagiging epektibo ang mga vaccines.
Gayunman kailangan pa umano ang dagdagan ang mga pag-aaral hinggil dito.
Ang bagong variant na Mu, liban sa Colombia, ay na-detect din ito sa mga South American countries at sa Europe.